Nineteen Days

“First Honors III-Science Class Desiree Mae T. Falcon!”

Tumayo ako at tumayo rin sina mama at papa.

Recognition Day ngayon, March 31, 2014. Kakatapos lang natin bilang third years sa isang pampublikong paaralan. Di tayo magkaclase. Kabatch tayo pero mas matanda ka sakin ng isang taon.

Lumingon ako nun sa likod baka sakaling makita kita at nandun ka, nanonood. Kaya masaya akong umakyat sa stage.

Kinamayan, kinongratulate, binigyan ng certificate, at sinabitan ng medal.

Tumingin pa nga ako nun sa pwesto mo, ngunit masaya kang nakikipag-usap sa iyong mga kaibigan.

Nagpicture-picture at pagkatapos bumalik kami sa aming upuan.

Nagpatuloy parin ang program nang naisipan naming ng classmate ko na mag-cr muna. Dumaan pa nga kami nun sa pwesto niyo. Kinabahan nga ako kaya hinatak ko yung kasama ko at tumakbo.

Bumalik naman kami sa covered court.

Lumingon-lingon parin ako dahil gusto kitang makita. Hindi naman nagtataka sina mama eh, kaya ok lang.

Ngunit nung pang-ilan lingon ko, nakita kitang lumabas. Akala ko nga nun eh umuwi kana, hindi pala. Ngunit nung pumasok ka ulit, parang tinutusok yung puso ko. Nasaktan ako sa nakita ko. May kasama kang babae nun at masaya kayong nag-uusap at tumungong ewan. Sinundan ko kasi kayo ng tingin ngunit nawala nalang kayo bigla.

Nakikipag-usap nalang ako sa mga kaibigan ko buong program. Boring kasi at para narin mawala sa isip ku yung nakita ko kanina.

Natapos ang program at bumalik na kami sa drafting room.

Tinext kita at nagpasalamat dahil dumating ka. Nagrequest kasi ako nun sayo, diba? Masaya ako nun. Masayang-masaya. Nakita lang kita, okay na.

Dagdag mo pa nga na sa Wednesday mo nalang ibigay yung letter na matagal ko ng hiningi sayo.

May konting handaan sa bahay nung gabing yun at inimbita ko yung mga close kung kaklase. Habang nagsasaya kami, katext naman kita. Kaya lalong sumaya yung araw ko eh. Nagulat nga ako nun dahil hindi ka na cold sakin, di pareho sa mga nagdaang araw.

Pinakinig pa nga kita ng kantang “Mahal Pa Rin Kita” by Rockstar at yung “Don’t Say You Love Me” by The Corrs,” yun kasi yung mga gusto kung sabihin sa’yo matagal na.

Nakinig ka nga naman at sinabi mong you’ll stay. May lyrics kasi dun na “Don’t say you need me if you’re not gonna stay.” Tanda mo pa ba yun? Kasi ako tandang-tanda ko pa.

Nung gabi ding yun, sinabihan mo kong mahal mo ako ngunit hindi ako sumagot ng mahal din kita kahit alam ko sa sarili kong mahal kita. Takot kasi ako. Baka sakaling bukas, balik sa dati yung treatment mo. Cold at suplado. Sinabihan pa nga kita nun eh at sabi mo nga, “Oo, nakakapagod ngang masaktan ng pauli-ulit. Pero itong sa akin ngayon, totohanan nato. Mahal parin kita. At oo, maghihintay ako ng 5 taon, yung independent ka na sa pamilya mo.” Sa gabi ding yon, binitiwan moa ng iyong pangako. Pangakong paghihintay. Wish ko nga eh na hindi ito mapapako.

Dumatin gyung Wednesday. Naghintay ako buong araw. Magkatext tayo nun ngunit wala kang nabanggit tungkol sa letter. Natapos ang araw at wala akong natanggap. Nagtampo ako, syempre, sabi mo kasi, kaya nag-expect ako.

Dumating ang bukas, sinabihan kita tungkol nun. Tumawa ka pa nga at sabi mo, “Sige, sa susunod. Gagawa lang ako.” Hindi ko naman kasi kayang magalit sayo kaya okay lang sakin. Ang daming extensions na nga eh. Hahahahah.

Araw-araw tayong magkatext nun. Parang ‘tayo’ ngunit walang label. “Magkaibigan tayo pero ang turingan parang magkasintahan”, sabi mo nun. Marami nga ang nagtatanong sa akin eh kung nakabalikan ba raw tayo. Palagi kong sagot?

“Tanungin mo na lang si Dylan Hahahaha.” O di kaya’y

“Ewan ko. Di ko alam. Tanungin mo nalang siya.”

Hindi ko kasi talaga alam. Hindi ka naman kasi nanligaw. At pag sinabi ko naming, “Oo, nagkabalikan kami,” baka sakaling sabihin mong ang assumera ko.

Hindi tayo ngunit nagpapalitan ng I love you’s, Goodnights, at Goodmornings.

Nung april 7 nga eh, pinilit ko talagang hindi pa matulog hanggang mag 12:00 ng medaling araw, hudyat na April 8 na, kahit alas 3:30 ng umaga ako gigising kinabukasan.

Tumatak ang alas 12:00 MN sa relo ko, tinext kita ng “Happy 8th Monthsary, Chum … supposedly.”

Ang tagal na pala sana natin no?

August 08, 2013, nung nagging totoong tayo. Yung mayroon tayong label. Kung saan alam natin kung saan tayo lulugar at pareho tayong may karapatan sa isa’t isa. Hindi tulad natin ngayon. Magulo.

Umilaw yung cellphone ko. Hindi ko nga inaasahan na mag-reply ka eh.

Reply mo, “Happy 8th Monthsary rin Chum.”

Masaya ako, oo. Natatandaan mo pa kasi kahit ilang buwan na tayong hiwalay. Mas matagal nga yung hiwalay tayo kesa nung tayo’y mag-on. 2 buwan naging tayo. Magulo ba? Intindihin mo nalang hahaha. I just continued the date kasi.

Dahil sa text mo, kaya ayun, masaya akong natulog. Alas 4:00 na nga ako nagising kinabukasan eh. Kasala kasi ng kuya ko. Isa ako sa mga bridesmaids.

At pag siniswerte ka nga naman, kapartner ko yung kababtang crush ko dati. DATI na yun ha. Nagselos ka pa nga nun eh nung tinext kita. Ngumisi lang ako. Wala ka naman kasing dapat ikaselos. Crush ko siya, oo. Pero DATI na yun, ikaw na yung mahal ko ngayon. Masaya rin ako dahil nagselos ka. Ibig kasing sabihin ayaw mo akong maagaw ng iba.

Tinanong mo rin ako nun kung anong nagustuhan ko sayo at kung bakit mahal kita. Hindi ko nga alam eh, kailangan ba talaga ng dahilan? Kaya ang nasagot ko lang ay,

“Mahal kita kasi ikaw si Dylan Marco Adartse. Mahal ko pati yung mga negatives mo. Love is acceptance. Love has no reasons.”

Nagreply ka nga nun na natouch ka. Tumawa nalang ako. Hahahaha.

Isang araw nga, tinawagan kita at umiyak ako sayo. Yung classmate ko na best friend ko na rin ay di na nagparamdam sa akin.

Bestfriend kasi kita. Kuya na rin. Ikaw yung sinasabihan ko ng mga problema at mga sikreto minsan. Alam mo nga rin yung sakit ko eh. Pinagkakatiwalaan kasi kita. Malaki yung tiwala ko sayo.

Isang araw, kinukulit kita na mag-text. Nag-iba na kasi yung pakikitungo mo, pero may problema ka lang pala.

Opposite rin tayo , ang nega mo kasi tapos pag may problem ka, gusto mo sa’yo lang, ayaw mo ng kinakaawaan. Ang sa akin lang naman kasi, pwede ka namang magsabi sa akin eh, baka makatulong pa ako. Ngunit nagalit ka pa at tinaboy mo ako. Mapride ka rin kasi. Napakasakit. Tinataboy lang naman ako ng taong mahal ko. Ngunit hindi ako umalis, alam ko kasing kailangan mo ng isang kaibigan at pwedeng ako yun.

May araw rin na nag-away tayo. Kinulit kasi kita tungkol sa letter na hiningi ko sayo. Tanda mo pa ba yung letter? Nagalit ka. Bakit pa raw ako maghihingi ng letter. Hindi pa ba sapat yung ginawa mo? Sapat na yun. Pero gusto ko talaga ng letter galing sayo. Hindi ko nga alam kung bakit hindi mo maibigay eh.

April 14. Mangungumpisal sana tayong apat, kasama yung close kung classmates ngunit hindi ka nakasama dahil may lagnat ka at hindi mo pa kaya. Kaya kami nalang 3 yung pumunta. Nung umuwi ako, tinext kita nun kung kumusta ka na ba. Wala akong natnggap na reply galing sayo.

Hanggang dumating yung gabi at nag-GM ka.

Tinanong kita ulit nun kung ok ka lang sabi mo naman, “Di pa masaydo.” Ang cold mo sakin nun ngunit hindi ako nagpatinag kahit na gusting-gusto ko ng magpahinga. May lagnat kasi ako. Oo, nilagnat ako nung gabing yon. Ngunit hindi ko sinabi sayo, may lagnat ka rin kasi, ayaw ko ng dumagdag pa.

Nagselos ka lang pala, kaya ganon yung treatment mo. Nagseselos ka sa picture nung kasal. Kasama ko kasi yung crush ko dati. Minsanan lang naman yun, pagbigyan mo na. Ikaw naman mahal ko eh.

At simula ng araw na yon, ang cold mo na sa akin. Alam ko namang nagbago ka na eh. Hindi na kagaya nung totoong tayo pa. hindi mo kasi kayang di magtext sa akin ng isang araw. Kaya nga tinanong kita eh. Tanda mo pa? dati rin kung matagal akong magreply sayo, kinukulit mo ako o di kaya’y tatawag ka. Ngunit ngayon, hindi na. alam ko rin naman kasing hindi tayo eh pero parang tayo. Ewan! Ang gulo!

Hanggang isang araw, April 19. Ilang oras kang hindi nagparamdam. Nag-GM ako tapos nagtext ka.

Ikaw: Give me some space, Ree.

Ako: Space? & Y u need some space?

Hindi ko kasi naintindihan. Hindi ko alam kung bakit humingi ka ng space.

Hindi mo sinagot yung tanong ko ngunit tinanong mo ako.

Ikaw: Ano ba tayo? Tayo ba o hindi? Hindi ko kasi maintindihan.

Ako: Ikaw ba, ano tayo? Hindi ko rin kasi naintindihan.

Ikaw: Ikaw yung tinatanong ko, ikaw yung sumagot.

Ako: EWAN! HINDI KO ALAM! ANG GULO KASI!

Hindi ko talaga alam.

Sinasabihan mo nga ako ng oa at immature. Humingi ka lang naman kasi ng space ngunit ang dami ko ng sinasabi.

Nasaktan kasi ako! Nagpromise ka na di mo ko iiwan. Ayaw mo akong sumuko ngunit ikaw tong sumuko. Ngayon, sinong hindi masasaktan?! Nangako ka, ako namang si tanga, nag-expect. Oa na kung oa, mahal kita eh. Nanghingi ka pa talaga ng space. Paliparin kita hanggang universe eh, sapat na space na yun. Tsss.

Nasaktan ako, oo. Ngunit hindi ako umiyak. Manhid na nga siguro tung puso at mata ko. Paulit-ulit na sinasaktan eh.

Nineteen days.

Nineteen days akong naging masaya sa piling mo. Kung saan naramdaman kung akin ka at iyo ako. Yung pagtrato mo sa akin ay gaya ng pagtrato mu nung totoong tayo pa. Salamat.

Ineexpect ko naman na mangyayari ito pero hindi ko ineexpect na ganito ka sakit.

Para mo narin kasing inabuso yung pagmamahal ko sayo. Sabi mo mahal mo ko pero bat ka humingi ng space?

Sa loob ng nineteen days na yan, hindi tayo nagkita. Tapos pumunta pa kayong Bantayan kaya ayun. Hanggang text, tawag, at facebook lang tayo.

Oo, di ko kayang magalit sayo at hindi agad-agad na susuko ngunit hindi ko na kasi talaga kaya, ang sakit-sakit na.

Kung babalik ka man, ewan ko kung matatanggap agad kita. Ang sakit kasi.

Oo, madali lang akong magpatawad ngunit hindi ako madaling makakalimot.

Sa loob rin ng nineteen days, ang dami kung natutunan, naranasan, at nalaman.

Natuto akong tumayo sa sarili kong paa.

Natuto akong gumawa ng sarili kong desisyon.

Natuto akong hindi agad-agad na magtitiwala.

Natuto na akong ipaglaban ang sarili ko at hindi hahayaang maapak-apakan ng sinuman.

Naranasan ko ring masaktan at umiyak gabi-gabi.

At naranasan ko ring magmahal.

Magmahal ng tunay at lubos.

Magmahal at minamahal.

Oo, bata pa ako para malaman kung ano ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal pero kusa lang tumibok tung puso ko. At sayo mismo.

Kahit sa loob lang ng sandaling panahon, napatunayan ko ang sarili ko. Hindi lang sayo umiikot ang aking mundo.

Wag mo nalang akong hintayin at kung balak mo mang maghintay talaga, wag mo nalang akong sabihan. Gawin mo. Ayaw ko na kasing mag-expect. Masakit. Surprises are better than disappointments ika nga. Kung tayo, edi tayo. Pero kung hindi, wala na tayong magagawa.

Masayang-masaya ako pag kasama kita. Totoo nga pala yung kasabihan na, “Kapag nagmahal ka, kasunod talaga yung masaktan.” At, “Ang taong dahilan ng iyong kasiyahan ay siya ring dahilan ng iyong kalungkutan.”

Goodluck pareho sa atin. Sa buhay, sa pag-aaral. Sana maabot mo yung mga pangarap mo.

Mahal kita. Mahal na mahal. Pero ewan ko kung kaya ko pa. Ang hirap kasing magpakatanga at hindi madaling magpakamartyr.

Huwag kang mag-alala, di naman ako mawawala. Nandito lang naman ako, nagmamahal sayo .. ng malayo.

Lalayo ako. Hindi ibig sabihin na hindi na kita mahal. Lalayo ako upang hanapin ko yung sarili ko.

Lahat ng ito, ay dahil sayo. Maraming-maraming salamat. Hinding-hindi kita makakalimutan, pangako.

Leave a comment