Bakit Naging Ganito?

Sa pagkakaalam ko, tapos na tayo,

Niloko mo ko’t sinaktan ng todo.

Pagkakaibigan nati’y sira na,

Sinira mo ang samahan natin, babae ka!

Naalala ko pa nung magbestfriends pa tayo,

Sabihan ng problema’t kailanma’y di sumuko.

Nagkwentuhan, nagchikahan, nagbangayan,

Ang iba nga’y naiinggit kaya tayo’y sinisiraan.

Ok na ok tayo noon eh

Ngunit ano na ang nangyari?

Ilang araw bago magbakasyon

Hindi na ikaw yung babaeng kaibigan ko noon.

Dati pag nagtetext ako,

Nag reply ka ni wala pang isang minuto,

Pero ano ng nangyari sayo?

Wala akong natanggap kahit anong text mo.

Bigla-bigla ka nalang nagbago

Sa akin, iba na ang iyong pakikitungo

Ngunit sa iba nating kabarkada,

Pakikitungo mo’y hindi nagbago sa kanila.

Isang araw, tinext kita kung anong nangyari,

Wala kang reply, ibig sabihin wala kang sinabi.

Hindi kita kinukulit baka may problema lang,

Ngunit gumagrabi na habang ang araw ay nagdaan.

Hindi ko masabing isa kang tunay na kaibigan,

Hindi mo kasi ako pinagkakatiwalaan.

Dahil kahit anong mangyayari na nakakasakit sayo,

Hindi yon kayang maipagpapalit ang pagkakaibigang ating nabuo.